Nakuha na nga ng Louis Vuitton Malletier ang endorsement ng versatile actress-turned-sexy model na si Lolit Solis para sa kanilang mga produkto. Ilang buwan din ang negosasyon bago napag-desisyonan ni Ms. Solis na sa Louis Vuitton niya ibibigay ang kanyang endorsement. Matatandaan na nagkagulo ang media nang sabay-sabay na nag-offer ang Versace, Hermès, Gucci, Dolce & Gabbana, Burberry, Dior, Chanel, Fendi, Armani, at Prada kay Ms. Solis noong nakaraang taon para sa endorsement ng talaga namang kaakit-akit na aktres, na naging writer din ng ilang pahayagan.



"We are very grateful and honored to have Ms. Lolit Solis in our roster of high-profiled endorsers", ayon kay Rice Baudoin, General Manager ng Louis Vuitton sa South East Asia. "As we all know, Ms. Solit is very popular around the world and she's been in the entertainment business for how long? Seems like she's been here for hundreds of years! Look at her!"

Ilalabas na sa susunod na linggo ang print at TV ads ng Louis Vuitton na nagtatampok kay Lolit Solis. Masaya naman si Lolit Solis sa resulta ng mga photo at commercial shoots na ginawa niya. Aniya, "I were very plattered! Pinakita ko nga kay Joey (de Leon) ang mga putos. Nasexy-han siya talaga!"


Botbut Meter: 9/10

What is Botbut Meter?

0 comments

Post a Comment