Kabastusan nga ang ginawa ng rapper na si Kanye West nang inagaw nito ang mikropono kay Taylor Swift habang nagpapasalamat ang huli sa mga fans sa nakaraang MTV VMA 2009.
Natanggap ni Taylor Swift ang Best Female Video sa MTV "2009 Video Music Awards" at habang sinasabi ang kanyang acceptance speech ay biglang hinablot ni Kanye West ang mikropono at walang kapitagan o pag-iwas na sinabi na ang music video ni Beyonce ang dapat nanalo at hindi ang kay Taylor Swift.
Sabi pa ni Kanye West, "Beyonce had the best video of all time”.
Natigilan naman si Taylor Swift at ayon sa mga saksi, naluluha raw ito at talagang napahiya. Umalis din agad sa stage si Kanye West matapos matigilan ang mga audience at i-boo ang rapper. Hindi na makapagsalita ang magandang country-singer ng mga sandaling iyon ngunit pinalakpakan naman siya ng mga manonood.
Panoorin niyo ang video sa ibaba at husgahan ang ipinakitang bikas at kilos ng rapper na si Kanye West.
|
0
comments
]




0 comments
Post a Comment